Sunday, December 30, 2007

Essay tungkol kay Dr.Jose Rizal

Rizal day ngayon 'di ba??? tingin ko parang hindi gaanong nabigyan ng importansya ang ika-111 na anibersaryo ng pagka martir ni Dr. Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda. Kaya bilang pagsaludo sa kanya mag papaka seryoso muna ako sa blog ko... Para naman may mapulot kayong impormasyon kahit na papaano hindi puro kalokohan na lang.... Kaya ito sana mapag tiyagaan nyo basahin ang essay na ipinasa ko sa propesor ko nung nakaraang sem sa asignaturang Buhay, Mga Gawain at Kaisipan ni Rizal.


RIZAL: Ang Ating Pambansang Bayani o Bayani ng mga Amerikano
Ni: Markus Leonarduz del Cruz y Almario
Sa tinatamasa nating kapayapaan ngayon, hindi ba marapat lamang natin pasalamatan ang napakaramng bayani sa atng kasaysayan na nag-alay ng kanilang buhay. Mula sa kolonisasyon ng Espanya hanggang sa pananakop ng mga Hapon. Maram tayong mga bayani na dapat pagmalaki at pasalamatan . At sa napakahabang listahan n gating mga bayani sa ating kasaysayan, meron isang natatangi kung saan, ang pagtanggap at pagrespeto ng buong masang Filipino ay nasa espesyal at natatanging lalagyan ng pagkilala. S’ya ang atng Pambansang Bayani, ang Martir ng Bagumbayan. Si Dr. Jose Protacio Mercado Alonzo Rizal y Realonda o simpleng Dr. Jose Rizal. Isa sa labingisang anak ni Don Francisco Mercado at Doña Teodora Alonzo. Ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo 1861 sa Cakamba, Laguna.
Mula sa bilang ng mga bayan, baryo at eskinita na ipinangalan mula sa kanya. Bilang ng mgainstitusyong pang-edukasyon at lipunan na nagdadala ng kanyang pangalan. Bilang ng mga batas, mga proklamasyon, memoranda sa parehong pampubliko at pribadong paaralan. At sa katotohanang walang ibang bayani na nakalalagpas sa kanya sa bilang ng mga monumento na itinayo bilang parangal sa kanya. Walang duda, ang kanyang pangalan ay nasa isip lahat ng mga Filipino. Si Rizal na namatay na ipinaglalaban ang ninanais niyang agbabago sa lipunan para sa mga Filipino ay masasabi talagang isang toreng pigura. Katulad na lamang ng sinabi ni Propesor Ferdinand Bluementritt kay Maximo Viola na: “Si Rizal ay ang pinakadakilang produkto ng Pilipinas at ang pagdating n’ya sa mundo ay tulad ng isang kometa, na ang liwanag ay masasaksihan lamang kada isandaang taon.” (Esteban de Ocampo. Why Rizal is The Greatest Filipino Hero, p. 3) Isang Filipino na may totoong Patriyotismo at Nasyonalismo sa sarili. Isang dakilang Filipino na karapat-dapat tumanggap ng lahat ng pagkilala na tinatamasa n’ya ngayon, isa na ditto ang pagging Pambansang Bayani ng Pilipinas. Pero, may isang isyu na sumasalungat ditto, meron kasing mga Filipino na naniniwala na si Rizal ay isang bayani ng mga Amerikano o ng dahl sa mga Amerikano kaya natin s’ya ngayon kinikilala bilang ating Pambansang Bayani. Rizal: An gating Pambansang Bayano o Bayani ng mga Amerikano? Ano ba nag totoo dito? Ang artikulo kong ito ay may motibo na alamin kung bakit nagkaroon ng ganitong kontrobersya. Kung ano ang naging papel ng mga Amerikano, sa pagkakaroon ng ganitong kontrobersya? Gayun din ang kahalagahan nito na makapag bgay impormasyon sa kapwa ko mag-aaral na nagkaroon din ng ganitong katanungan. At higit sa kaht, ang makatulong sa pagbibigay kalinawan sa kontrobersyang ito. Pero bago ang malawak at malaliman na pagtalakay, nais ko itatak sa isip ng aking mambabasa ang pahayag na ito:
“Ang pagtatangka na husgahan si Rizal base sa kasaysayan ay isang uri ng pananakit sa kanya. Sa mga natutong tignan si Rizal sa makasaysayan at kritikal na pamamaraan ay alam ang mga kahalagahan na kanyang naiambag sa nagbabagong lipunan ng mga Filipino.” (Renato Constantino. Insight and Foresight “A New Look at Heroes”, p.24)
Bakit merong kontrobersya na si Rizal ay naging isang Pambansang Bayani dahil sa mga Amerikano? Noong mga huling bahagi ng pagnanais ng Amerika na masakop ang Pilipinas, sila ay nagplano bilang panimula na magpaklala bilang isang mapayapang tao. Ang bagong ideya ay humantong sa pagproproklama ng isang Filipino na kilala sa kanyang mapayapang adhikain bilang maging isang Panbansang Bayani ng Pilipinas. At higit sa pagigng mapayapang tao, s’ya ay isang tao na may kapasidad para parangalan at may malaking pagtanggap ng at pagrespeto ng mga Filipino, ng sa ganoon ang mga Amerikano ay maipakilala sa atin ang kanilang mapagpanggap na ideya ng kapayapaan.
Nagsimula ang lahat ng ito nang si Gobernador Sibil William Howard Taft ay nagpahayag sa mga mensahero na sina Pedro de Tavera, Luzurriga at Legarda. Mga Filipinong miyembro ng komisyon ng Pilipinas kung saan si Taft ang punong kinatawan. Nagpahayag na kinakailangan na ng mga Filipino na magkaroon ng Pambansang Bayani. Naiulat pa na sa nasabing pagpupulong na ang naging magkakalaban para maging Pambansang Bayani ng Pilipinas ay sina Marcelo H. Del Pilar, Gracino Lopez Jaena, Jose Rizal, Heneral Antonio Luna, Emilio Jacinto at Andress Bonifacio. At ang napili at natanggap ng lahat ay si Rizal at ang kasaysayan ay naganap( Esteban de Ocampo, Why Rizal is the Greatest Filipino Hero, p. 18)
Ang dahilan pa nito ay ng dumating ang mga Amerikano , ay natagpuan nila ang pilisopiya ni Rizal na edukasyon muna para sa mga tao bago ang kalayaan. Isang eksaktong pilosopiya para sa paggawa ng dahilan sa kanilang polisiyang pang kolonyal na may pangalang “benevolent Assimilation”, at kanilang pinanghikayat at binigyan ng promosyon ang kaisipan ni Rizal. Sa kabilang banda, nakita nila si Bonifacio, isang pangkaraniwang tao, klala bilang isang mapanganib na naninindgan sa paggamit ng armas para makamit ang kalayaan. Para sa mga Amerikano, ang ipakilala ang kaisipan ni Bonifacio ay katulad na rin ng pagsira sa kanilang layunin na hikayatin ang mga Filipino na huwag gumamit ng armas laban sa kanila. (Teodoro Agoncillo, History of the Filipino People, p. 160)
Sa kabilang banda, Bakit si Rizal ang ating Pambansang Bayani?
“Ang pinaka nakakahanga kay Rizal ay ang hindi na niya pag-isp sa kanyang sarili, ang kanyang kumpletong pag-iwan sa kanyang personal na interes para lamang isipin ang kanyang bansa.”
---Rafael Palma (Esteban de Ocampo, Why Rizal is the Greatest Filipino Hero, p. 18)
Walang duda, ang mga bagay na sinabi ni Rafael Palma patungkol kay Dr. Jose Rizal ay totoo. Ang kanyang pagmamahal sa bansa ay alam ng lahat. Ang katapangan ni Rizal ay makikita sa kanyang mga gawa at hindi sa kanyang mga salita. Hindi s’ya lumiko sa ano man landas na kanyang tinatahak, kahit na ang maging kapalit pa nito ay ang kanyang buhay. Maaring hindi alam ni Rizal kung paano o kalian s’ya mamamatay pero sinigurado n’ya kung paano s;ia dapat mabuhay. Ang kanyang buhay ay alinsunod sa kanyang isinulay noon 1892: “Nais kong maipakita sa sino man na tumatanggi sa atin ng patriyotismo na tayo ay maaring mamatay sa ating ipinaglalaban. Ano ang kamatayan kung tayo naman ay mamamatay para sa ating mga mahal, para sa ating bayan at para sa bagay na ating hinahangad” (Dalmacio Martin, The Greatness of Dr. Jose Rizal, “The Fundamental Values Cherish by the People in Rizal’s Time”, p. 109)
Tunay nga at may mga ebidensya na nagpapakita ng promosyon ng mga Amerikano sa pagkabayani ni Rizal, pero ang punto, si Rizal ay matagal ng nakikita at tinatanggap na bayani ng mga Filipino bago pa man dumating ang mga Amerikano. (Ambeth Ocampo, Rizal Without Overcoat, p. 2) Hidi natin maitatanggi ang kanyang dedikasyon sa kanyang mga ginawa upang mabago lamang ang lipunan na ginagalawan ng mga Filipino. Sa yaman ng kanyang pamilya at sa nagging prpesyon ni Rizal, ay hindi natin maitatanggi na sa tinataglay niyang ito ay maari sana s’yang nagbuhay mayaman na lang at hindi n asana nakialam pa sa problema ng ating bansa. Pero hindi, dahil sa hindi n’ya matatawarang Patriyotismo at Nasyonalismo, lumaban s’ya a imperyo ng Espanya gamit ang kanyang mga gawa, kahit na ang nagging kapalit pa nito ay ang kanyang buhay.
Bakit hindi si Bonifacio o ang iba pa bilang Pambansang Bayani ng Pilipinas? Sinasabi na dito lamang sa Pilipinas kung saan hindi ang pinuno ng isang rebolusyon ang pambansang bayani. Katulad ni Simon Bolivar ng Venezuela, Joan of Arc at Napoleon Bonaparte ng Pransya at George Washington ng Estados Unidos. Totoo nga na may ginampanang papel ang Amerika upang matakpan ng anino ni Rizal sina Bonifacio, Mabini at iba pang mga bayani. Pero, kahit saang angulo pa tignan si Rizal ay matagl ng tintignan bilang sang bayani bago pa man iputok ang mga baril na tumapos sa kanyang buhay. Kung bakit sa kadahilanang kaya nga sya pinaslang sa harap ng publiko ay para magsilbng babala sa sino man na nagnanais na gumaya kay Rizal . Si Rizal na isang toreng Pigura sa kanyang kapanahunan na gumawa ng malaking marka sa naiukit na kasysayang ng Pilipinas. Nasira nga ng mga bala ang katawan ni Rizal pero ang mga kaisipan ni Rizal ang s’yang sumira sa malaking pader ng Espanya. “Ang panulat ni rizal ang nagbigay inspirasyon sa bolo ni Bonifacio” ito ang akng punto de vista sa isyu sa pagitan ng dalawa nating dakilang bayani. Ang rebolusyon na itinayo ni Bonifacio ang s’yang bunga ng kaluluwa ng mga isinulat ni Rizal. Hindi lamang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari kung ‘di maging sa kahalagahan ng mga pangyayari. Mababatid natn na hindi naman ganoon magkakilala ang dalawa, pero ginawang kagalang-galang na pangulo ng katipunan si Rizal na walang bahid ng pagtutol ng mga kasapui nito. Dahil alam nila at tanggap nila, na si Rizal ang kaluluwa ng kanilang rebolusyon.
May dalawang tanong na dapat munang sagutin bago pa sabihn nino man na si Rizal ay isang pambansang bayani lamang dahil sa nga Amerikano. Una, kung talaga bang ginusto ni Rizal na ang papel na giunampanan n’ya sa kasaysayan ay magamit ng mga Amerikano sa kanilang pansariling interes, pangalawa kung may kapasidad ba si Rizal na bigyan ng parangal aty igalang ng nga kapwa Filipino kahit na wala ang mga Amerikano? (Apolinario Parale, Why Rizal Should Remain our National Hero, p.4) Sa unang tanong, si Rizal ay walang bahid ng pagtutol na isinakripisyo ang kanuang buhay, kapalit ng pagtanggi niya sa Espanya para lamang makamit niya ang ninanais niyang pagbabago sa lipunan para sa mga Filipino at hindi para sa ano pa man. Sa pangalawang tanong, totoo nga at pinili ng mga Amerikano si Rizal para maipagtulakan nila ang kanilang interes sa bansa, pero hindi din natin maiaalis ang katotohanan na si Rizal ay may karapatan na parangalan at igalang ng mga Filipino na hindi na kinakailangan pa ng promosyon ng mga Amerikano dahil ang ginawang pagkilala sa kanya ay base sa ginawang pagtanggap sa kanya ng mga tao.
Sa pagbubuod ng lahat ng ito, si Rizal ay kinklala natin ngayong Pambansang Bayani dahil sa kanyang kabayanihang ipinamalas sa pamamagitan ng kanyang mga gawa. Pero may mga taong naniniwala na ang pagbibigay din sa kanya g mga Amerikanoat maging ang promosyon na ibinigay ng mga ito sa kanya ay ang siyang tunay na dahilan kung bakit natin s’ya ngayon kinikilala bilang pambansang bayani. Ayon pa sa kanila , hindi daw dapat si Rizal ang nasa trono ngayon g pagiging pambansang bayani, ang iba ay mas pipiliin na si Bonifacio o kaya ay ang iba pang bayani na responsable sa Rebolusyon na nagdulot sa atin ng kalayaan.
Sa lahat ng ipinunto ko, ay malinaw ang aking konklusyon na si Rizal ay an gating Pambansang bayani at hindi isang pambansang bayani lang dahil sa mga Amerikano. Walang isang tao o grupo ng tao ang responsible kung bakit s’ya ngayon kinikilala bilang “Pambansang Bayani ng Pilipinas. “ Si Rizal, ang mga Filipino at maging ang mga dayuhan ang siyang nag ambag-ambag kung bakit natin s’ya nakikita ngayon sa isang kumkinang at espesyal na lalagyan ng pagkilala. Ang lonklusyon ay malinaw na kahit dumating pa ang mga Amerikano o Hindi. Si Rizal ay nakatadhana ng makilala ng mga Filipino bilang isa sa pinaka ginagalang at karapat-dapat na parangalang ng mga tao. Sa mga taong nag-aakusa ng kung anu-ano kay Rizal, ay sila lang din nagbibigay at nagdadagdag pa ng katanyagang tinatamasa n gating pambansang bayani. Sa pag-aaral sa akusasyon ng mga ito ay lalo lamang natatanggap ng mga tao ang serbisyong ibinigay niya para sa masang Filipino.




***23***











Works Cited

Agoncillo Teodoro, History of The Filipino People
Billedo Gledelyn, Rizal: A National Hero?
Capino Diosdado, Rizal’s Life, Works and Writings
Constantino Renato, Insight and Foresight “A New Look at Heroes”
De Ocampo Esteban, Why Rizal is the Greatest Filipino Hero?
Fernandez Samuel, Sinag “Why Rizal Should Remain our National Hero”

Jacinto Lorelei, The American Sponsorship of Rizal

Ocampo Ambeth, Rizal Without Overcoat

Ocampo Carmen, Rizal’s Important Characters in Filipino Life

Orosa Sixto, The Greatness of Dr. Jose Rizal

Parale Apolinario, Why Rizal Should Remain our National Hero?


Thursday, December 27, 2007

paano 'tong pangalawa???

paano 'tong pangalawa kong i pupublish... 10 minutes na lang ang natitira sa oras ko dito sa pisihan na di mo malaman kung makabago ba o sina-una. Pangalawang publish pero inabot ng mahigit-higit-higit-higit-higit isang buwan bago nasundan iyong una... tsk... tsk... tsk... masyado kasing abala sa mga di dapat pinagkakaabalahan...Anyway, by the way, just go in the north luzon express way para makakita ng malawak na hiway... Ang dami ko pang pinagsasabing mga way eh... no way out naman ako ngayon...Ano ba ang ikukuwento ko sa blag ko na may iisang reader lang at ako lang iyon... (isip... isip... isip...) Alam ko na!!!! sa susunod na lang... kasi 1 minute na lang ang natitira sa oras ko. I la-lag out ko pa ung friendster ko... kaya see you on next month...


aamin na ako... remake ito ng mali kong pag blog... Nagawan ko kasi ng ibang blog itong blog na binabasa mo ngayon... (teka may nagbabasa nga ba nito???) well well well... actually mga 1st week pa lang ng Decenber nang sundan ko ang una kong publish post... eh nagka loko-loko kasi baguhan ako dito sa blogspot. Friendster at Dota lang kasi ang alam kong gawin sa p.c. bukod sa panonood ng.... ..... .... .... .....(alam mo na.......) .....................mga videos sa youtube (ano ba ang iniisip mo???)
Kaya ito... remake na lang ang ginawa ko... at bilang ganti susundin ko ang payo ng aking mga magulang susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan. Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip salita at sa ka ChORVAHAN... (joke lang...) bilang ganti at bayad utang sa milyong-milyong pa bilyon nang taga subaybay ng aking blog... eh hindi na next month ang pagkukuwento ko dito sa aking blog (applause... with Cheer!!!) Ngayon na mismo... (eh di ba nagkukuwento na nga ako...) I have 15 minutes pa naman before mag time... sisimulan ko na ang pagkukuwento na lam kong pinaka-aabangan ninyo.... alam ko kasi na mas pinaka aabangan n'yo pa ito kaysa sa susunod na libro na i-pupublish ni Bob Ong... (teka ba't lumakas iyong hangin...)

Okay I'll start na...(babaguhin ko lang iyong pinakikinggan ko sa imeem) ayan nabago ko na... only reminds me of you na ang tugtog... pang Emo 'di ba??? pang EMOtional na senti pa sa senti....... Gustong-gusto ko kasi itong kantang ito... dedicated song ata sa akin nung babaeng niligawan ko na.... secret.... (UYYYYY..... interested sila sa lovelife ko...) Back to topic... dyan nagtatapos ang kuwento ko... see you in next.... (kailan nga ba ang susunod???) basta... BABU for a time...






***23***

Thursday, October 25, 2007

Bilang panimula....

October. 26,2007

Hay.... salamat natupad na rin ang isa sa mga pinapangarap ko sa aking buhay na punong-puno ng pakikipagsapalaran.... para maabot ang tugatog ng mga pangarap... (ang corny ng dating!!!) erase... erase...
Hay... salamat natupad na rin ang isa sa mga pinapangarap ko sa aking buhay ang magkaroon ng Blog account... huh... huh.. huh... (falling tears with matching tumutulong sipon) Ang babaw ko no??? mababaw lang talaga akong tao, mababaw ang kaligayahan, mababaw ang luha, mababaw ang muta..(natural kapag may luha may muta...), mababaw ang mga kaibigan, mahilig sa kababawan, mahilig mag-isip ng mababaw... S'yempre ikaw ba naman, gugustuhin mo bang mag-isip ng malalim tulad ng bangin, karagatan at manhole ng maynilad.... Mahirap yata yun baka mahulog o kaya'y malunod ka... try mo ng masubukan mo ang sinasabi ko at sigurado ako na pinagsisisihan mo at nabasa mo pa ang blog na ito...
Back to topic... Tulad ng mga nasabi ko, mababaw nga akong tao kahit na 'di Babaw ang apelyido ko. Pero ito lang ang maipagmamalaki ko... kahit na mababaw akong tao, hindi mababaw mag-isip ang utak ko... Hmp.... malawak yata ang imagination ko lalo na kapag nag-iisip ng kababawan....(teka ganun din yata yun ha? para ko na rin sinabi na mababaw akong mag-isip...) Pero hindi... malawak talaga ang imagination ko lalo na kapag ini-imagine ko na sinagot na ako nung kapit-bahay namin na crush na crush ko... mahal na mahal ko nga iyon eh...(blush!!!) 'di lang iyon... in serious sabi ng mga kaibigan ko at pati na rin ng mga 'di gaanong kaibigan eh... magaling daw akong sumulat ng tula... Tama!!!! tula or in english puwet.... ay! wrong spelling puwe... puw... pu... p... poet... pala... gusto nyo ng sample??? saka na lang next time abangan nyo na lang dito sa blog ko...
Para ma kumpleto na ang pagpapakilala ko...
About me:
Name: Markus Leonardus del Cruz y Almario
Age: 100-50 X square root of 25 + 2500B.C.- 300A.D.
Gender: Male na mahilig sa magandang Female
School: P.U.P. Pinipiling Unibersidad ng mga Pogi
Describe ur self: mabait kapag tulog...
may height din naman...
Gwapo at Cute sabi ng mga nag kaka crush sa akin at sabi
rin ng aking butihing Ina
Tahimik at suplado...(daw)
s'yempre para artistahin ang dating.. alam nyo na...
Tahimik ako kasi sa totoo n'yan... kung minsan kasi ayaw ko
talagang magsalita, kasi kung minsan mas masarap pang
kausap ang libro kaysa sa mga tao...




***23***